Monday, February 24, 2020

Gilas vs Indonesia 100-70. Giniba ng Gilas Pilipinas ang Indonesia

Giniba ng Gilas Pilipinas ang Indonesia sa score na 100-70 sa pagbubukas ng kanilang kampanya para sa FIBA Asia Cup qualifiers sa Britama Arena sa Indonesia.

Pumalo pa sa 28 ang kalamangan ng Gilas nang matagumpay na naipasok ni CJ Perez ang kanyang dunk sa huling 3:49 ng final frame.

Image source:sports.inquirer.net

Naging dikit naman ang laban sa unang yugto ng laro na pumabor sa Gilas sa score na 18-15.


Pero pagdating ng ikalawang yugto ay hindi na nagpakita ng awa ang Pilipinas sa ginawa nitong 14-2 run.

Hindi na pinakawalan ng Gilas ang kalamangan nito hanggang sa matapos ang first half sa 37-28.

Nanguna sa puntos si Thirdy Ravena sa kanyang 23 points at 8 rebounds, habang nagtala naman ng 16 points na si RR Pogoy.

Nag-ambag naman ang kuya ni Thirdy na si Kiefer Ravena na 10 points.