Tuesday, June 21, 2016

Duterte, duda na ang mga napatay na mga pushers ay bata ng mga tiwaling pulis



Duda si president-elect Rodrigo Duterte na iilan sa mga napapatay na mga suspected drug pushers ay bata ng mga tiwaling pulis na gusto nang patahimikin ng kanilang mga ninong.

Ayon kay Duterte matapos siyang magbanta laban sa mga pulis na sangkot sa illegal na droga, halos sunod-sunod kaagad ang mga raid at pagpatay sa mga pinaghihinalaang drug pushers.

Kahit na patay na ang mga alaga ng mga tiwaling pulis nilinaw ng President-elect na hindi pa rin ligtas ang tiwaling mga pulis at mananagot pa rin sabatas ang mga ito.

Una nang nagbanta si Duterte na sa loob ng tatlo hanggang sa anim na buwan ay lilinisin nito ang bansa mula sa illegal na droga at kriminalidad.

Kahit ang mga matataas na mga opisyal ng pulis na sangkot sa droga ay papatulan din niya.