Monday, February 24, 2020

Nag-reklamo ang PSG na umano'y sinapak ng actor na si Matteo Guidicelli

Naghain ng reklamo ang private security guard na umano'y kinuha ng pamilya ng actress-singer Sarah Geronimo, matapos umano siyang sapakin ng actor na si Matteo Guidicelli sa gitna ng ginanap na civil wedding ng dalawa sa isang mamahaling hotel sa Bonifacio Global City.

image: tribune.net.ph

Sinasabing inakusahan umano ni Guidicelli si Jerry Tamara, 31-anyos na siyang nag-leak ng mga detalye ng kanilang private civil wedding sa mga magulang ni Sarah.



Mababatid na biglang sumulpot sa venue ang ina ng pop-star na si Divine para komprontahin ang anak sa isinekretong plano at upang pigilan sana ang kasalan.

Si Tamara ay kinuha ng mga magulang ng singer para tutukan at sundan ang mga aktibidad ng celebrity couple.