image source:twitter
Nilinaw ni Locsin sa kanyang post na hindi siya miyembro ng kahit anong political party, at wala siyang nire-representa na politiko.
Ipinunto rin ng aktres na wala siyang existing contract sa network, at hindi maaring kontrolin ng ABS-CBN ang kahit ano na gusto niyang i-post sa social media.
Sa nakalipas na dalawang linggo, ay naging aktibo si Angel sa pagbabahagi ng kanyang mga opinyon kaugnay sa mga hakbang para harangin ang franchise renewal ng ABS-CBN.
Tumatak sa mga netizens ang pagbabahagi ni Angel ng mga litrato ng mga group photos niya kasama ang mga nakatrabaho niya sa likod ng camera.
Ipinunto ni Locsin na nasa 11,000 empleyado ng ABS-CBN ang nanganganib na mawalan ng trabaho. ..