Wednesday, June 22, 2016

Duterte kay De Lima: ‘I will kill her--with love’


Idinaan ni President-elect Rodrigo Duterte sa biro ang babala laban kay former Justice Secretary at Senator-elect Leila de Lima.

Sa kanyang speech sa business conference sa Davao City, muling iginiit ni Duterte na ayaw niyang makialam si De Lima at ang human rights advocates sa kanyang pagsugpo sa iligal na droga.

Ayon kay Duterte, sakaling hindi manahimik si De Lima ay papatayin niya ito na may pagmamahal.

Matatandaang una nang binalaan ni De Lima si Duterte na ididiin niya ito sa mga alegasyon ng extra-judicial killings.