Monday, February 24, 2020

Posibleng ipahinto ng South Korean government ang operasyon

Posibleng ipahinto ng South Korean government ang operasyon ng mga paaralan at negosyo sa kanilang bansa kasunod ng red alert status na itinaas ng gobyerno para tugunan ang COVID-19 outbreak.


image source: vietnamtimes.org.vn

Matatandaang Inilagay na ng South Korea sa pinakamataas na alert ang buong bansa dahil sa umabot na halos 600 katao ang tinamaan ngcoronavirus.

Ayon kay South Korean President Moon Jae-In , pinakikilos na niya ang mga opisyal ng gobyerno para malabanan ang nasabing outbreak.

Ang red alert status ay huling ginamit ng Seoul, noong taong 2009 para mabantayan ang pagkalat ng noo’y novel influenza disease.