Hinimok ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS ang Department of Education na isama sa curriculum ang pagsasagawa ng earthquake drill sa mga paaralan.
Inihayag ito ni PHIVOLCS Director Renato Solidum matapos ang isinagawang metrowide earthquake drill kahapon.
Aminado si Solidum na hindi sapat ang isang araw na earthquake drill upang matiyak ang kahandaan ng publiko sa pagtama ng malakas na lindol.
Dapat aniya itong gawin araw-araw upang maitanim sa isipan lalo na ng mga estudyante ang mga kailangang gawin upang makaligtas sa nagbabadyang trahedya.